My World

My World

Ang Blog na ito ay sumasalamin sa laman ng isip ko, sa kung anong klaseng tao ako, personal na opinyon ko sa mga bagay-bagay, at sa mundong ginagalawan ko. Wala akong pakialam kung walang magbasa ng Blog na ito, natutuwa lang akong makita ang mga post ko sa internet. Balang araw kung gusto ko mag balik tanaw, may lugar akong pupuntahan. Welcome to My World!

The biggest mistake one can make, is losing yourself in the process of valuing someone too much, and forgetting that you are special too.

—Happened to me. (via c-oquetry)

(Source: nicolevillano, via prettybelle0906)

An entire sea of water can’t sink a ship unless it gets inside the ship. Similarly, the negativity of the world can’t put you down unless you allow it to get inside you.

—Goi Nasu   (via chryza)

(Source: larmoyante, via straysun)

EXTRAORDINARY BANANA– An extraordinary banana plant, with fruit that measures 90inches long, grew in their backyard owned by Lolita Abaigar and Verginia Miranda in Barangay Catbangen, San Fernando City, La Union. The owners said the banana tree is their good luck charm. July 10, 2013. (Photo by: ERWIN G. BELEO) 
Source: MANILA BULLETIN

EXTRAORDINARY BANANA– An extraordinary banana plant, with fruit that measures 90inches long, grew in their backyard owned by Lolita Abaigar and Verginia Miranda in Barangay Catbangen, San Fernando City, La Union. The owners said the banana tree is their good luck charm. July 10, 2013. (Photo by: ERWIN G. BELEO) 

Source: MANILA BULLETIN

Now Playing: Sweater Weather by The Neighborhood, I play that every morning while singing along and viewing the lyrics on my screen. I always wake up at 5AM, it’s a blessing to have a Good Night Sleep! Malapit na to mag end, back to work na ulit ako, Buhay PANIKI na naman tayo. Tulog sa UMAGA, gising sa GABI. Lahat naman tayo may Choice sa buhay, ewan ko ba kung bakit ito ang pinili ko. Siguro dahil mas malaki sahod dito, dahil hindi ako nakapag tapos ng pag aaral.  Ganun pa man, tuloy padin ang buhay. Minsan mas madami tayong REKLAMO kesa PASASALAMAT. 

                    

Mouth Watering Dishes from City Buffet Restaurant at SM Fairview QC. They serve wide variety of foods like Filipino Cuisine, Italian Cuisine Asian Cuisine and Japanese Cuisine. At only 400PHP you’ll get to enjoy these foods, all you can eat! The one that I enjoyed the most is Maki Rolls and Sushi, I love this Japanese Food. I’ll certainly go back here with friends and family.

Para sa mga taong Paniki. Gising sa Gabi, tulog sa umaga. Sa mga taong may Fake American accent na kung pakikinggan mong maigi eh wrong grammar naman. Para sa mga taong alam kung paano gamitin ang Avaya, ang katagang Haduken, Sup Call, OB. Para sa mga nagtatanong sa Manager nila kung anong Aux. Log in, log out, opening spiel, closing spiel. Ang nakaka kabang Mock Call. Nakainis na call barging ng QA/Manager/Newbies. Mga call listening, day starter, week ender. Zombie life, tulog, gising, kain, ligo, pasok, pa ulit ulit, pag dating ng rest day party party, inom labas, kain, mall, sine, Team Building! Buhay Call Center Agent, malaki ang sahod pero kelangan mong baligtarin ang mundo mo. Kumakain kami gabi-gabi ng pressure dahil inaako namin ang problema ng mga customers, Ownership! Ganun paman tuloy padin ang buhay. Thank you for calling this i Chris!

Para sa mga taong Paniki. Gising sa Gabi, tulog sa umaga. Sa mga taong may Fake American accent na kung pakikinggan mong maigi eh wrong grammar naman. Para sa mga taong alam kung paano gamitin ang Avaya, ang katagang Haduken, Sup Call, OB. Para sa mga nagtatanong sa Manager nila kung anong Aux. Log in, log out, opening spiel, closing spiel. Ang nakaka kabang Mock Call. Nakainis na call barging ng QA/Manager/Newbies. Mga call listening, day starter, week ender. Zombie life, tulog, gising, kain, ligo, pasok, pa ulit ulit, pag dating ng rest day party party, inom labas, kain, mall, sine, Team Building! Buhay Call Center Agent, malaki ang sahod pero kelangan mong baligtarin ang mundo mo. Kumakain kami gabi-gabi ng pressure dahil inaako namin ang problema ng mga customers, Ownership! Ganun paman tuloy padin ang buhay. Thank you for calling this i Chris!

Balik Tanaw: Mga usong Project noong Elementary ako sa Probinsya

1. Isang Sako ng Tuyong Tae ng Baka/Kalabaw
Subject: Gumawa’t Umunlad- dahil ang probinsya namin ay mayaman sa bukirin, sisiw ang project na ito, kelangan mo lang ng sako at lakas ng loob para mag pulot ng tuyong tae ng hayop, para saan ito. para ito sa mga tanim naming gulay. Ang mga nakalap na tae ay isisilid sa sako at babayuhin ng kahoy upang madurong, ayan may fertilizer na!

2. Herbal Plants (Oregano)
Subject: Science- oregano lang ang natatandaan kong herbal plants na na submit ko, naka tanim pa ito sa lata ng gatas. ang pinakuluuang dahon daw nito ay pinaniniwalaang nkaka galing sa may sakit.

3. Basurahang gawa sa lata
Subject: Kahit ano- karaniwang group project ito, kelangan lang mag hanap ng lata ng biskwit, ung rebisko na square, pwede rin ang lata ng mantika, ung square din, kadalasang nabibili ito sa palengke or kung meron nito ang classmate mo oh ikaw, mas mainam. Kelangan lang ng matandang gagawa nito- kuya, kapitbahay, tatay.

4. Dust Pan na gawa sa lata
Subject: Kahit ano- materiales na gagamitin, tulad ng nasa number three, group project din ito.

5. Basahan na gawa sa Tabla at Tanzan
Subject: Kahit ano- marahil ngayon niyo lang to narinig, ito yung nilalagay namin sa harapan ng pintuan ng class room. Materiales- tabla, tanzan, pako. Kelangan lang ipako ang mga tanzan na nakabaliktad sa tabla. Mahirap explain, basta may ganyan

6. Chalk at Pambura
Subject- Kahit ano- ewan ko kung may pondo ang mga guro mula sa gobyerno sa pag bili ng mga chalk at pambura. Minsan mainam na project to para di na gumastos ang mga guro, nice diba!

7. Comfort Room
Subject: Kahit ano- oo tama, C.R. ang project, karaniwang project ito pag fourth grading na bago matapos ang taon. Layunin ng eskwelahan namin na magkaroon nang tig isa isang Comfort Room ang mga silid aralan, dahil wala namng pondo dito ang gobyerno, syempre studyante muna ang mag papagwa. Tanda ko 150php-300php ang bayad dito. Pag walang bayad, mababa ang grado or bagsak. Ang Saklap!

8. Ceiling Fan
Subject: Kahit ano- tulad ng nasa number seven, gusto din ng eskwelahan na maging komportable ang pag aaral ng mga estudyante, mainit sa Pinas kaya kelangan nito. Ang bayad, siguro 100php=150php.

9. Floor Wax
Subject: Kahit ano- para sa sahig syempre, wala naman pondo ang gobyerno para dito, hindi din naman kalakihan ang sahod ng mga guro para sila na ang gumastos para dito. Mon-Fridays may mga naka talagang cleaners. Alam nyo yan!

10. Walis Ting-ting/Tambo
Subject: Kahit ano- tulad ng nasa number nine, para sa ikalilinis ng eskwelahan!

**ilan lang yan sa mga na-aalala kong mga project namin nung elementary, nag aral ako sa Mababang Paaralan ng Poblacion Bacnotal La Union. Masaya mag aral sa probinsya haha!

Nasa Diyos ang Awa, Nasa Tao ang Gawa"- mga salitang tumatak sa isipan ko, bagay na naka dikit sa taas ng blackboard namin nung Grade One ako, mga katagang naipunla ng mga Guro at Magulang ko, nananatiling buhay, bit-bit ko hanggang ngayon tungo sa pinaniniwalaan kong "Pangarap

Sentimyento ng Taong Sakitin

Dahil mababa ang immune system ko..nahawaan ako ng rubeola (measles). Sa tipo ng trabaho ko, hindi malayong makuha ko ang ganitong klaseng sakit. Tulog sa umaga, nagtratrabaho sa gabi. Sa rest day lang nagkakaroon ng kumpletong tulog. Minsan pag rest day, nakaka guilty matulog dahil gusto mo tong sulitin mnsan di na natutulog to catch up with your social life. Sobang demanding ng work na to, masasabi kong hindi lahat kayang mag stay sa ganitong klaseng industry. Kailangang well motivated ka at dedicated. Pinag sisilbihan namin gabi gabi ang mga banyaga. Masaya ako sa sahod. Pero well compensated pa ba ako pag lagi naman ako nagkakasakit? Sadyang sakitin ako simula pa nung bata pa ako. Mahina ang katawan ko at madalas akong absent sa school. Hindi rin ako mahilig sa sports kase lampa na nga, mahiyain pa.

Sabi nila Health is Wealth. Kaya dapat lang na maging aware tayo sa kalusugan natin. Kaya ang plano ko magkaroon ng healthy life style. No more drinking alcohol. Kelangan ko din ng exercise.

My cute nephew!! :) #BabyEzra

My cute nephew!! :) #BabyEzra

Lens for my phone.. :)

Lens for my phone.. :)

Salamat sa Camera360
"Kung pangit ka at mahilig kang mag-selfie, sabihin mo na lang na lahat ng pictures mo ay wacky,"  ~ Senator Miriam Defensor
Walang taong hagard sa Camera360!!

Salamat sa Camera360

"Kung pangit ka at mahilig kang mag-selfie, sabihin mo na lang na lahat ng pictures mo ay wacky,"  ~ Senator Miriam Defensor

Walang taong hagard sa Camera360!!

Noong Taong 2013

Marami akong pinagpapasalamat ngayong taong 2013. May mga malalaking desisyon akong ginawa at Masaya akong sabihin na naging tama ang pag pili ko. Nung Pebrero, pinili kong magbitiw sa IBM, ang dati kong kompanya dahil sa mga ilang kadahilanan at di ko na babanggitin dito. Naging masaya ang mga araw ko sa IBM, tinanggap ko ang mga hamong inihain sa akin, at proud akong sabihin na nalampasan kong lahat iyon. Marami akong natutunan sa trabaho ko bilang Technical Support Representative sa isang TeleCom Company base sa UK. Umani ako ng karunungan, karanasan at higit sa lahat kaibigan sa walang buwang pananatili ko sa kumpanyang minahal ko na din. Na aalala ko pa ang gabing iyon, blanko ang isip ko at tulala. Nasa pantry ako kaharap ang mga office mates ko sa isang lamesa, kumakain, tahimik. Tinapik ako ng isang kong kaibigan sa balikat at sabay sabing “Ok ka lang ba?”. Napainom ako ng  ice tea at ilang sigundo muna ang nakalipas bago sumagot, “ayoko na dito, hindi ako ok”, at bigla nalang tumulo ang luha ko, pero three seconds lang yun, pinunasan ko din agad at hindi na nasundan. Pag tapos ng trabaho, dating gawi, mag-aantayan sa lobby at sabay sabay na lalabas ng building pauwi, ngunit kaiba ang araw na iyon. Hindi maingay at nagtatawanan . Nag pahuli ako sa paglalakad, at isa isa ko silang pinagmasdan habang papa layo, napaka dramatic ng moment nay un, feeling ko may background music pa nga nun. Ibinaling ko ding maigi ang tingin ko sa kapaligiran, dinama ang hangin, ngumiti, nag pasalamat sabay buntong hininga. Na alala ko nung unang pag tapak ko sa lugar na iyon, walang muwang at pagka mangha ang naramdaman ko, ang daming gusali, may malaking hardin, at may mga iba’t ibang klase ng tao. Sumigaw ang isa kong kasama, dun natigil ung moment, “ Hey Cris halika na!”. Sa gate nag pa-alamanan na, tulad ng dating mga araw, tinaas ko ang aking kanang kamay, ikinaway at sinabing “bye na guys, ingat kayo, ma-mi-miss ko kayo”, bilang pahiwatig na aalis na ako, for good, sabay angal ng kasama ko, “ano ka ba kalimutan mo na nga yun”. Yun ang huling araw ko bilang empleyado ng IBM, Adyos!

                Maagang maaga, isang linggo ang nakalipas mula ng naging That’s my Tambay ako, masakit ang ulo ko dahil sa hang over, inuman sa birthday celebration ng isa kong kaibigan nung gabi. Bumangon ako sa kama 5:00AM, apat na oras lang ang naitulog ko. Kumain saglit at nagmamadaling nagbihis.  Dinampot ko ang long brown envelop at sinilid ko sa kulay neon orange na bag na nabili ko sa bench. Dala ko ang tatlong resume ko na  may 2x2 picture na naka coat and tie, isang panda black ball pen na binili ko kay Mang Sesing, isang katutak na kaba at isang matibay na dibdib at lakas ng loob. This is it, sasabak na naman ako sa madugong interview, dahil naka pag research na ako sa jobstreet.com ng pwede kong pasukan. Dala ko din ang pinunit kong papel ng bill ng meralco kung saan nakasulat ang address ng pupuntahan ko. Habang nasa bus, pa pikit-pikit sa antok , iniisip ko ng maigi ang mga taktika ko sa interview, inisip kong maigi ang mga positibong palusot ko kung bakit umalis ako sa dati kong kompanya. Sumakay ako ng MRT at bumaba sa Ortigas Station, di sigurado kung saan tutungo kaya sinundan ko nalang mga taong naglalakad, pag labas ko ng station, nag lakad pa ng kaunti. Tumambad sa aking ang mga nag tatangkarang gusali. Inilabas ko ang papel kung saan naka sulat ang address at instruction kung pa ano puntahan ang office. Nag tanong tanong ako sa mga magigiting nating mga guard sa labas ng gusali. Yung ilan sa kanila umiling at di alam ang lugar, malaman laman ko lang, sa kabilang building lang pala, kainis si Manong Gardo! At iyon na, nasa tapat na ako ng matangkad na gusali, ito na un, sa 16th floor daw. Pag pasok ko sa office, may mga naka pila ng applicants, naka corporate attire ung ilan sa kanila, mukang nag master’s degree pa, mag aaplay atang president ng kumpanya. Dumeretso ako sa front desk at nagtanong, English ang pag sagot sakin, may inabot na form. Pag tapos kong sagutan ang form, ibinalik ko na kay ateng Ingleserang nag aral sa private school, tatawagin nalang daw ang pangalan ko. Hintay, inip, kaba at hintay pa, hangang sa binanggit na ang maganda kong pangalan, biglang kumabog na naman ang dib-dib ko parang aatakihin ako sa puso. Ipinasok kami sa isang silid, initial interview ito at grupo kayo. Karamihan sa mga sumagot sa interview mga waley, ung iba hindi masyadong  nag salita, less talk, less mistake ika nga. And it’s my time to shine , tapos ng sumagot ang katabi ko. Bumati ako ng may confidence na para bang host ako ng isang morning talk show, pa bibo kong sinagot ang classic na tanong na, “Can you tell me something about yourself?”. Sobrang kabisado ko na nga ang isasagot ko dito, yun din ang singot ko sa interview ko sa dati kong kumpanya, dahil planado ko na ang isasagot ko, spontaneous with American accent ang pekeng confidence ng pag sasalita ko, fake it till you make it nga. So ayun na, kasama ako sa nakapasa hanggang sa umabot ako sa written exam at binalita na pasok na ako sa final interview. Madami ding bumagsak sa interview at di ako makapaniwala na ako lang yung bukod tanging pinagpala na nakapasa at na endorse sa Stream Global Services, ang sosyal ng name ng company. Isinakay nila ako sa malaking Van kahit ako lang at yung driver ang  laman, at pag dating sa Stream, unlimited written exam na naman, this time IT test naman, pang geek ung mga tanong, pang Who Wants to be a Millionaire, pero naipasa ko naman, galing ko diba? Sinabi na sakin kung kelan final interview ko at kung sino ang interviewer. To cut the long  story short, naka pasa ako sa final interview at yehey after one week mag uumpisa na ako sa bago kong career, ang astig ng title ko, tatawagin akong “Technical Support Professional Level II”, ang salitang Level II ang nag pa angas sa title na ito, feeling ko nag Master’s Degree din ako kahit na 2nd year college lang natapos ko.

                Matapos ang tatlong buwang pananatili ko bilang Microsoft Windows Technician, natanggap namin ang pangit na balita, oo pangit na balita, mas pangit pa kay Mike Enriquez,  tatangalin na daw ung program namin sa Stream, at ang batch ko ang unang aalisin dahil kami ang huling pumasok. Isang linggong walang kasiguraduhan kung saang program mapupunta, alam niyo na siguro kong anong trabaho ko, and dami ng clue kanina pa, commercial model po ako. Naniwala naman!! Ang iba sa amin ay nalipat na ng program, sa loob din ng Microsoft, ngunit ilan sa amin ay nga-nga mode muna. Hanggang sa isinabak ang anim sa amin, kasama ako, sa isang madugong interview sa Intuit Program, mabangis ang program na ito dahil ito ang bread and butter ng kumpanya at hindi basta basta ang nakaka pasok ditto dahil may password ang pinto, joke! Parang digmaan sa Mactan ang nangyaring interview, matatalinong tanong ang inihampas sa amin ngunit matatalim na palusot naman ang iwinasiwas ko sa mga interviewer, pa empress kunyari matalino. Ayun, tatlo sa amin ang nag wagi sa digmaan. Nag papasalamat ako dahil mga malalapit sa akin ang napasama sa Grand Finals. Dahil Tech Sales ang program na ito, sagana sa ani ang kaperahan dito, basta masigasig ka lang sa pag papa bibo at pakikipag plastikan sa mga customer, mabubuhay ka dito. In fairness sobrang hirap ng program na ito, mga matitibay lang ang natitira sa training, at ilang buwan lang nangalahati na agad ang member ng  batch ko, nag si alisan ang mga mahihina, at natira ang mga makakapal ang muka. Isa ito sa mga ipinag papasalamat ko ngayong taon na nalipat ang ng program. Gusto ko ang work force dito at ang environment masaya. 

                Intro lang yung first two paragraph ng sulat kong ito, kase big moment yung mga yun sa taong 2013 ko. Naging maganda naman ang desisyon kong umalis sa dati kong kumpanya, bakit? Kase mas challenging ang role ko ngayon sa Company, mas madami akong natutunan, naging technician ako ng
Windows Microsoft, mas bigatin kesa sa hawak kong posisyon dun sa IBM, although heavy din naman ang word na IBM, very famous diba?! Isa pa, hamak na mas mataas ang sahod ko sa Stream, maganda ang bigayan, every other Friday pa ang sahuran, iwas pila sa ATM. Nakaipon naman ako, mas malaki ang naiipon ko kesa dati, panalo! Kaya ok nading umalis ako sa IBM. Bukod sa libreng coffee at juice sa pantry maraming magagandang bagay ang mga nangyari sakin dahil sa desisyon kong iyon. Masasabi kong nagging mature na din ako mag-isip at mag desisyon.

                This year ng March, ipinanganak ang first nephew ko mula sa ate kong napaka ganda sa USA. Ang cute ng baby, foreigner ang complexion mana sa Daddy pero ang buhok at mata, mana sa Mommy, asian na asian, at ang ilong, mana ata sakin, kawawa naman. Isa siyang blessing mula sa Diyos, nawala man si Mama last year, may dumagdad namang munting anghel sa pamilya namin, at tinawag siang Baby Ezra. Dahil nasa America siya at di namin siya makasama, sa facebook panay humpay ang pag hit ng like naming ng ate ko dito sa Pinas sa picture ng baby namin, minsan nasisilip din namin siya sa skype. Kahit pano, nasusubaybayan naming ang pag laki niya, thanks sa Facebook and Skype, sa life changing experience.

                Maraming blessings ang dumating sakin at sa family ko this year 2013, ang Ate April ko mabait ang napangasawa niya, si Kuya Fred na Canadian, kahit nasa ibang bansa siya, sinusuportahan parin niya ang  ate ko  financially, ok naman ang contribution niya, sumasapat din minsan sa luho ng ate ko, at ok din naman ang communication nila, again syempre through Facebook and Skype, walang humpay yan araw-araw, mula pag gising hangang pag tulog, bat di nalang sila mag palagay ng CCTV Camera para 24hrs updated sila, Big Brother House lang! Hopefully maka alis na din Ate April ko sa 2014 papuntang Canda para mag payaman at mag-ipon and of course para makasama ang chubby niang asawa na triple XL ang damit. Ok din naman Ate Mean ko sa USA, inaalagaan niyang mabuti ang Baby Ezra namin, mabait din ung napangasawa niyang American, si Kuya Ham, Miss International kase mga sisters ko. Buntis na naman Ate Mean ko, pano government ng USA sumasagot sa gatas ng anak nia till mag 5years old siya, kaya ok lang mag buntis ulit, sabay kelangan niyang mag habol ng babies kase nasa 30’s nadin siya, go lang hangat kaya ng matres niya.

                Dahil naging ma ayos at puno ng blessings ang Year 2013 ko, syempre I’m expecting na mas maganda ang taong 2014 ko. Bago matapos ang taon, kailangang ilista ko na ang mga goals and target ko para sa 2014. Siguro kaya naging maganda ang taong ito dahil sa pamilya ko at mga kaibigang naka paligid sakin, lalo na ung isang taong laging andyan para bigyan ako ng peace of advise at damayan ako sa mga laban ng  buhay ko. Syempre ang pananalig ko sa Diyos na sandigan ko sa anumang desisyong gagawin ko, ang pamantayan ko ng pag gawa ng masama at mabuti. Salamat ng unlimited dahil ang taong 2013 ay taon ng pagsisikap, pangarap at pag pupunyagi. Sige todo na, pak kung pak, push natin yan para sa taong 2014. Sa uulitin J

Isinulat noong ‎November ‎27, ‎2013

I want to live my life everyday!!

Ganito pag walang magawa!! :)