--> I am Definitely Me! C-GL

I am Definitely Me! C-GL

  1. Ito ang madalas kong makita sa taas ng terrace ng aming inuupang bahay ^^

    Photobucket

    Photobucket

    Photobucket

    Photobucket

    Ito ang madalas kong makita sa terrace ng aming

    bahay sa taas, c5 road extension papuntang

    Mindanao Ave. at papauntang NLEX, pinagmamasdan

    ko mga magagarang kotse and at the back of my eyes

    nangangarap na sana magka kotse din ako, marunong

    din naman ako mag drive kahit pano, kulang lang sa

    practice at experience. Habang nasa taas, pinapanuod

    ko yung mga kabataang naglalaro ng basketball and

    wishing sana natuto din ako nun, honestly I am not

    playing Basketball eh, they look happy when playing it

    and I envy them. Lagi ako dito sa terrace kase mahangin,

    madalas akong naka headset pag nandun at nag mu-music

    trip gamit ang ipod touch ko habang umiinom ng paborito

    kong Kape. Madalas sa hapon ako tumatambay dito,

    kase hindi na mainit at masarap mag masid sa paligid

    pag magtatakip silim na, lalo na ang araw sarap panuorin

    habang papa lubog na. Kahit umuulan na, tumatambay

    padin ako dun at ineenjoy ang malakas na hangin na

    dumadampi sa balat ko. Masasabi kong ang terrace ang

    pinaka favorite kong part ng bahay. Dito ako nakaka

    pag isip, dito ako nag de-day dreaming, dito ako nag

    babasa ng mga lessons ko, dito kami nagkuekuentuhan

    ng mga kaibigan ko, dito kami umiinom at dito naranasan

    ko nadin matulog kase puno ng bisita ang bahay. .dito

    ang place ko! Hai madalas ang tambay sa terrace kapag

    walang pasok ^^